WILBERT TOLENTINO TINAWAG NA "KUYA WIL II"
August 18, 2021
Itinuturing na pumapangalawang Kuya Wil ang ka-freshness na si Wilbert Tolentino. Siya ay former Mr. Gay World titlist , businessman, social media infuencer at philanthropist . Sumusunod daw siya sa yapak ng generous TV host na si Willie Revillame. Bawat episode ng vlog niya ay meron siyang inaayudahan. Kahit sa mga subscribers niya ay namimigay si Kuya Wil II ng cash sa bawat vlog niya! Ito ay tinatawag na Kafreshness CodeBination Giveways. May 20 winners ng P500 Gcash at dalawa ang mananalo ng Oppo A15. Manood at sumali.Para sa mechanics i-follow niyo siya sa Instagram account niya na sirwil75.
Kamakailan ay may collab sina Kuya Wil II at ang viral online seller na si Madam Inutz (Daisy Lopez) sa Wilbert Tolentino Vlogs YouTube channel na may 1.4 M subscribers. Si Madam Inutz ay na-feature noon sa KMJS. Trending din ang paggaya sa kanya ni Pokwang.Nakipag-collab din sa kanya sina Ethel Booba at Donita Nose. Anyway, may sorpresang handog si Kuya Wil dahil nagbigay siya ng P200k sa mag-ina. P100 K para kay Madam Inutz at P100K sa ermat niya na may sakit. 2 days pa lang ay 1.6M na ang views nito. Hindi pa natapos diyan dahil nu’ ng Wednesday naman ay nag-upload si Kuya Wil ng 2 minutes shopping challenge kina Madam Inutz at Herlene Hipon. Worth P107,231 ang nahakot ni Hipon. Isi-share din daw niya ang mga blessing na natanggap niya mula kay Kuya Wil II sa mga kamag-anak niya at sa mga nangangailangan. Naniniwala siya na pag may biyayang dumating ay kailangang ipamahagi para may pumasok ulit na grasya .
Si Madam Inutz naman ay umabot ng P342,173 ang nashop niya sa challenge. Ititinda raw niya ito sa online para magamit sa medication ng kanyang ina. Marami tuloy ang nagsasabi na bagay si Wilbert na maging manager ni Madam Inutz ngayong ni-release na siya ng Star Image Management. Sigurado raw na maaalagaan siya at nasa mabuting kamay ito. Perfect manager siya dahil mapagkakatiwalaan ito at may koneksyon. Hindi rin sila mag-aaway sa datung at komisyon dahil na-witness naman ni Madam Inutz ang generosity ni Kuya Wil II.Hindi rin ito nasangkot sa kontrobersya sa pera dahil parehas itong lumaban. Abangan na lang natin kung hahantong sa talent at manager ang relasyon nila.
MADAM INUTZ, P200K ANG AYUDA MULA KAY WILBERT TOLENTINO Nilayasan ng viral online seller na si Madam Inutz (Inutil) aka Daisy Lopez ang Star Image Management. Nag-live sa kanyang Facebook page na Daisy_licious Ukay para ianunsyo kung bakit umalis siya sa naturang talent management.
Humingi raw siya ng payo sa kanyang mga kaibigan at pamilya sa biglaang desisyon. Kumunsulta na rin siya ng abogado para maintindihan niya ang nilalaman ng kontrata. “Unang-una pumirma ako ng kontrata, ang passport ko paso. pero tinanggap nila," sambit niya. “Hndi naman actually kinuha pero tinanong muna nila ako,okey lang ba na kunin nila 'yung phone number ko para sila na 'yung sumagot ng lahat ng calls na natanggap niyo. Ngayon, hindi na po ako ang sumasagot n’un. Binigay ko ang cellphone ko sa kanila which is mali pala kasi personal number ko ‘yun," sambit pa niya na tila naguguluhan sa situwasyon. Nagpahayag naman ng official statement ang Star Image na nire-release nila si Madam Inutz. Samantala, marami ang nagsasabi na magpahawak na lang si Madam Inutz sa Former Mr. Gay World titlist ,sikat na businessman, social media infuencer at philanthropist na si Wilbert Tolentino. Tiyak na maalagaan siya at nasa mabuting kamay ito. Swak sila bilang manager at talent. “Hindi rin mag-aaway ‘yan sa pera dahil mayaman ang sinasabing pumapangalawa kay Willie Revillame sa pagbibigay ng ayuda.
Hindi nila pag-uusapan ang komisyon,” pahayag ng isang malapit kina Madam Inutz at Sir Wilbert. Anyway, may collab ang dalawa sa Wilbert Tolentino Vlogs YouTube channel kasama si Herlene Hipon. May sorpresang handog si Kuya Wil II na nagbigay ng P200k sa mag-ina. P100 K para kay Madam Inutz at P100K sa ermat niya na may sakit. Sobrang pasasalamat naman ni Madam Inutz sa generosity ni Kuya Wi II.
Bb. PILIPINAS CORONATION NIGHT, ALL SET NA SA JULY 11 ... MAPAPANOOD SA A2Z CHANNEL
<script data-ad-client="ca-pub-7254930474419644" async src="https://pagead2.googlesyndication.com/pagead/js/adsbygoogle.js"></script> BY TIMMY BASIL SA mga sumusubaybay ng Binibining Pilipinas, after more than a year , heto't tuloy na tuloy na ang coronation night ng Bb. Pilipinas 2020 na magaganap sa July 11 sa Araneta Coliseum. Pero masyadong istrikto ang event. Sa mga press people and vloggers na magko-cover ng event , kailangan muna nilang magpa-swab test ng 7:00 pm sa Green Gate. Hindi kagaya ng dati na punuan ang big dome tuwing Bb. Pilipinas finals night. Ngayon ay aalog-alog ito at kaunting-kaunti lang talaga ang papapasukin, mga kanidata , make up artists at staff. Hindi rin ito magiging maingay tulad ng dati dahil walang fans na makakapasok . Thirty four candidates at maglaban-laban . Excited na ako para dito. Mapapanood ang kaganapan sa A2Z channel. Walang...


Comments
Post a Comment