THE 2 FACES OF MAGDALENA FOX, THE UGLY AND THE BEAUTIFUL
MEDYO matagal-tagal na rin akong follower ni Magdalena Fox sa Tiktok . Sa ngayon ay mayroon na siyang mahigit 3 million followers at kung tutuusin, famous na talaga siya.
Bentang-benta kasi ang kanyang antics , yung bang sa umpisa ay maganda siya habang nagti-tiktok then towards the end ay hihilahin niya ang kanyang at wig at tatanggalin ang kanyang pustiso kaya ang tatambad ay ang pangit niyang mukha.

Pero dito siya minahal ng netizens. Dito siya naka-gain ng so much attentions and admirations.
Noong Sabado ay di sinasadyang nakita ko si Magdalena sa studio ng Eurotv. Palabas na siya at kasama pala siya sa isang program at nalaman ko na ang naka-toka sa kanyang segment ay ang pagbibigay ng blind item. Nakukuha raw niya ang mga blind item na kanyang sini-share sa kanilang programa mula sa mga tsismosa nilang kapitbahay.
Nakatsikahan ko si Magdalena for a while at tawa ako nang tawa sa kanya . May insidente raw kungsaan naglalakad siya , pretty ... tapos may nakasalubong siyang holdaper, nung akmang hahablutin na nito ang kanyang kuwintas ay bigla nilang tinanggal ang kanyang wig at pustiso, hayun nagkukumahog sa pagtakbo ang loko.
Ang akala ng marami, nasa probinsiya si Magdalena dahil sa background ng kanyang mga Tiktok videos pero nasa Manila pala siya - sa Payatas.
Natanong ko kay Magda kung nabago ba ng Tiktok ang kanyang buhay. Oo daw, dahil sa pandemic ... wala siyang work pero nakakaupa naman daw siya ng bahay dahil may mga tagasubaybay na tumutulong sa kanya. "Magpapa-baby pa ba ako, siyempre tinatanggap ko," sabi ni Magda.
Before this Tiktok thing , babaihan daw talaga siya. May tatlong foreigners na nanliligaw sa kanya pero ang hirap daw magkunwaring babae.
"Sa Tiktok, walang pagkukunwari. Tinanggap at minahal nila ako kahit anuman ang itsura ko, ako man ay maganda o pangit," dagdag ni Magdalena.
Ngayong nasa media na siya, tuluy-tuloy na daw ang pagpasok niya sa showbiz at kahit presyong kaibigan lang ay tatanggapin niya. "Oo, kunin na nila ako, bago pa man ma-expire ang talent ko," pagpapatawa ni Magdalena.
Mapapanood ang 3 minute interview ko kay Magdalena Fox sa aking Dear Tito Timmy Page at Timmy Basil Youtube Channel. Please don't forget to Subscribe my Youtube and Like my Page.
Babushka!


Kakatuwa talaga sya
ReplyDeleteYes
Deletetrueeeee
ReplyDeleteWow
ReplyDelete